GINAPI ni dating Far Eastern University bet National Master Darry Bernardo ang nakatatandang kapatid na si International Master elect Dale Bernardo, 2.5-0.5, para makopo ang Professional Chess Association of the Philippines (PCAP) try out na tinampukang 1st Jake "Talov" Carlos Invitational Chess Tournament nitong Linggo sa Palma de Oro, San Fernando, Pampanga.

Ang torneo ay bahagi ng selection process para sa Team Pampanga, ayon sa pamosong Pampanga chess organizer Jose Camaya kung saan si National Arbiter Edward Serrano ang nagsilbing chief arbiter na ang assistant ay si Alberto Arellano.

Dahil sa natamong tagumpay, nakamit ni NM Darry ang top prize  P3,000 habang naiuwi naman ni IM elect Dale ang runner-up prize P1,000.

Bago ang finals ng five minutes blitz time control format, dinaig muna ni NM Darry si John Jasper Laxamana, 2-1, habang angat naman si IM elect Dale kay Michael Mallari, 2-1. Ang youngest participant 10 years old na si Zoe Denise Paige Ramos ang wagi sa kiddies category.

Angelica Yulo, ibinida training ng mga anak sa Japan

Ang susunod na PCAP try out para sa Team Pampanga ay sa Nobyembre 22. Sa mga interesadong lumahok, makipag-ugnayan sa #0948 474 0330 para sa karagdagang detalye.