Nagpapaalala ang Provincial Environment and Natural Resources Office (PENRO) ng Cagayan sa mga “plantito” at “plantita” laban sa illegal na pangongolekta sa mga halamang naturingang “critically endangered.”

Sinabi ni Atty. Ismael T. Manaligod ng PENRO Cagayan, na maaaring pagmultahin ng mula P100,000 hanggang P 1M o pagkakakulong ng anim hanggang dalawampu’t dalawang taon ang sinumang mahuhuli na kumukuha at nangongolekta ng mga critically endangered na halaman.

“Mag-ingat sa pagbili at pangunguha ng mga halaman. Mainam na sumangguni sa PENRO Cagayan upang alamin kung endangered ang halamang kukunin o bibilhin ” ani Atty. Manaligod.

Kabilang sa critically endangered na halaman ay ang mga orchid, forest flora, mga ginagawang bonsai na matatagpuan sa mga kagubatan ng bayan ng Baggao, Penablanca at Gattaran o ang mga kabundukan na sakop ng Sierra Madre.

Metro

Isko Moreno Domagoso, nanumpa na bilang bagong-halal na alkalde ng Maynila

Liezle Basa Inigo