ROME (AFP) — Nilalabanan ng Italy nitong Biyernes ang mga takot sa second wave ng coronavirus katulad ng nakita sa Britain, France at Spain, dahil nakarehistro ito ng higit sa 5,000 mga bagong impeksyon sa loob ng 24 na oras.
“We’re under extreme pressure,” sinabi ni World Health Organization’s Italian government adviser Walter Ricciardi,
nababala na malapit nang mapuno ang mga ospital ng Covid-19 sa mga rehiyon pinakamatinding tinamaan
Nakarehistro ang Italy ng 5,372 bagong mga kaso nitong Biyernes, sinabi ng health ministry, halos 1,000 higit pa kaysa noong Huwebes. Ang bansa ay hindi pa nakakakita ng ganito kataas na bilang ng mga naitalang bagong impeksyon mula noong kalagitnaan ng Abril.
Ang mga bagong impeksyon ay nasa likod pa rin ng Britain, France at Spain, na nagrerehistro sa pagitan ng 12,000 at 19,000 na mga kaso sa loob ng 24 na oras.
Ngunit sinabi ni Ricciardi na ang pagtaas ng mga kaso ay maaaring umabot sa mga antas sa Italy sa pagsisimula ng taglamig at mga karaniwang pag-atake ng trangkaso.
“When the flu comes, we risk having 16 thousand cases in a day,” aniya sa Sky TG24.
“I am very worried... (about) sub-intensive units because there are infectious patients who need to be treated in a certain way and beds are already running out. And that’s before the flu hits,” dagdag niya.