IPINAHAYAG ng University of Santo Tomas (UST) na tutulungan nila na mag-apela ang kontrobersyal coach na si Aldin Ayo sa Universities Athletics Association of the Philippines.

Kasalukuyang gumagawa ng kaukulang hakbang ang UST upang pormal na makapag-apela sa UAAP Board of Trustees si Ayo. Ayon sa kampo ni Ayo, hindi makatao ang ipinataw na’ indefinite banned dito

Noong nakaraang linggo, sinabi ng Sorsogon City PNP na walang anumang ginawang paglabag sa IATF protocols at guidelines si Ayo at ang Tigers.

Lumabas sa imbestigasyon ng mga lokal na awtoridad na bumiyahe ang mga miyembro ng Growling Tigers patungo sa Sorsogon bilang mga working-students at lumahok sa farming activities.

Dalawang Pinoy mountaineers, sumakses sa tuktok ng Mt. Everest

Ang nasabing konklusyon ng Sorsogon City Police ay inindorso rin ni Sorsogon Governor Chiz Escudero.

Marivic Awitan