TULOY ang eleksiyon para sa pagpili ng bagong mga opisyal ng Philippine Olympic Committee (POC) sa Nobyembre 27,2020.

Idaraos ang eleksiyon hindi sa pamamagitan ng virtual elections online kundi sa pamamagitan ng face-to-face conduct elections para ihalal ang bagong mga pinuno na magsisilbi sa loob ng apat na taon hanggang sa 2024 Paris Olympics.

Kinumpirma ni POC president at Cavite Rep. Abraham “Bambol’’ Tolentino nitong Miyerkules, na ang halalan ay idaraos sa maluwang na lugar na puwedeng mag-accommodate ng 2,000 tao. Pananatilihin din ang maximum social distancing.

“Susundin namin nang buong higpit ang health protocols sa pagtitipong-sosyal at kukuha kami ng kailangang permiso mula sa IATF (Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases) if needed,’’ ani Tolentino.

Dalawang Pinoy mountaineers, sumakses sa tuktok ng Mt. Everest

Ang November 27 POC elections ay idaraos alinman sa Conrad Hotel sa loob ng Mall of Asia Complex sa Pasay City, o sa East Ocean Palace sa Macapagal Avenue sa Parañaque City. Magtitipon doon ang may 51 national sports associations (NSA) upang bumoto.

Makakalaban ni Tolentino sa pagka-pangulo si POC board member at archery president Clint Aranas, gayundin si athletics chief Philip ‘Popoy’ Juico. Ang iba pang pag-aagawang posisyon ay ang chairmanship, 1st at 2nd vice presidents, treasurer, auditor at four board members.

Bert de Guzman