April 13, 2026

Home FEATURES

ALAMIN: Ano nga ba ang requirements para sa pagkuha ng ₱5K fuel subsidy sa Marso 17?

ALAMIN: Ano nga ba ang requirements para sa pagkuha ng ₱5K fuel subsidy sa Marso 17?
MB FILE PHOTO

Makatatanggap na ng ₱5,000 fuel subsidy ang public utility vehicle (PUV) drivers sa susunod na linggo. 

Ang naturang fuel subsidy ay tulong na ibibigay ng gobyerno sa transport workers na apektado ng pagtaas ng presyo ng krudo dahil sa epekto ng tensyon sa Middle East. 

Sa Martes, Marso 17 ang pagsisimula ng pamamahagi ng fuel subsidy sa 39 payout sites sa buong Metro Manila. Uunahin ang mga tricycle drivers, kasunod ng iba pang PUV drivers na kinabibilangan ng jeepney, bus, taxi, at transport network vehicle service (TNVS) drivers.

Ayon kay DSWD Secretary Rex Gatchalian, ang mga Metro Manila Mayors ang magbibigay ng listahan ng mga tricycle driver sa pamamagitan ng kanilang local regulatory units upang mapadali ang proseso ng pagbibigay ng subsidy.

Ang tulong na ito ay ilalabas sa pamamagitan ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD). 

Human-Interest

ALAMIN: Mga kadalasang dahilan ng aksidente sa daan at tips para sa kaligtasan sa pagbiyahe

“By Tuesday next week, sisimulan na natin iyong pagbigay ng tulong-pinansiyal na naghahalaga sa five thousand pesos sa mga apektadong sektor na nabanggit ho namin," ani Gatchalian. 

Samantala, ayon sa Department of Information and Communications Technology (DICT) noong Biyernes,  Marso 13,  nakumpleto na nila ang listahan ng mga qualified delivery riders sa ilalim ng awtorisadong delivery firms para sa fuel subsidy program. 

“The Department of Information and Communications Technology (DICT) informs the public that it has completed the consolidation and endorsement of the list of qualified messenger-riders under authorized Private Express and/or Messengerial Delivery Service (PEMEDES) firms, which has been submitted to partner agencies for the implementation of the fuel subsidy program,” nakasaad sa abiso ng DICT.

ANO NGA BA ANG REQUIREMENTS PARA SA PAGKUHA NG ₱5,000 FUEL SUBSIDY?

Ang mga sumusunod na requirements ay mula sa abiso ng DSWD.

1. Valid driver's license at isang (1) photocopy

2. Siguraduhin na kasama ang iyong pangalan sa listahan ng mga driver na isinumite ng LGU (kung ikaw ay tricycle driver) at LTFRB.

3. Tiyakin din na tugma ang pangalan sa listahan at pangalan na nakasaad sa driver's license.