Ayon sa mga tanyag na kasabihan at berso: “the eyes are the windows of the soul,” “the eye is the lamp of the body.”
Iisa lamang ang pinupunto at pakahulugan ng mga ito—mahalaga para sa katawan na magkaroon ng masigla at malinaw na mga mata.
Ngunit ayon sa Glaucoma Research Foundation, marami pa ring mga tao ang nagkakaroon ng sakit sa mata, bunsod ng iba’t ibang mga dahilan—isa na rito ang ‘glaucoma.’
Ayon sa nasabing source, nangunguna pa rin ang “glaucoma” bilang isa sa mga sanhi ng pagkabulag ng isang tao.
“If left untreated, glaucoma can lead to blindness. However, with early detection and advanced modern treatments, blindness is now considered a rare outcome of the condition,” mababasa sa isang pahayag ng Glaucoma Research Foundation.
Sa kasalukuyan, wala pa rin umanong gamot o lunas sa nasabing sakit, ngunit ang pagsasagawa ng “surgery” at pagkakaroon ng sapat na medikasyon ay nagpapabagal umano sa paglala ng kondisyon.
Base pa rito, lahat daw ng tao ay “vulnerable” sa sakit na glaucoma, at itinuturing pa nga raw ito bilang “silent thief of sight.”
Paano nga ba maiibsan ang banta ng sakit na glaucoma?
Base sa mga artikulo, walang direktang lunas ang sakit na ito, ngunit maaari at posible namang masawata ang paglala nito.
Ayon sa Very Well Health, may mga paraan kung paano mapipigilan ang masamang epekto ng glaucoma.
1. Alamin ang potensyal na dahilan kung bakit nagkakaroon ng glaucoma
Mapalad at mainam na walang glaucoma ang isang tao, subalit alam niya dapat ang ilan sa mga dahilan kung bakit nagkakaroon nito ang isang indibidwal.
Kasama rito ang pag-abot sa edad na 60, pag-inom ng steroid medication, at pagkakaroon ng malapit na kaanak na mayroon nito.
2. Regular eye check-up
Mahalagang maprotektahan ng isang tao ang kaniyang sarili sa paraan ng pagiging maalam sa kondisyon ng kaniyang mga mata.
Ang regular na pagpapatingin ng mata ay magreresulta sa kaalaman ng mga dapat gawin upang makaiwas sa mga sakit na tulad ng glaucoma.
3. Bawasan ang “caffeine intake”
Ayon sa Very Well Health, nakakaapekto ang “caffeine intake” sa mga taong may “genetic predisposition to high intraocular pressure.”
“A typical caffeine intake (up to three cups of coffee daily) is not associated with an increased risk of increased intraocular pressure. However, people with a genetic predisposition to high intraocular pressure are at greater risk,” saad sa isa nitong pahayag.
“If you have a family history of glaucoma, moderating caffeine intake can be a good way to help prevent the development of the condition,” dagdag pa nito.
4. Kumain ng “leafy greens”
Base sa parehong source, may potensyal daw na makaiwas ang isang tao sa glaucoma kung ito ay kumakain ng “diet” na hitik sa “green vegetables,” na mayaman sa “nitrates.”
Ilan lamang sa mga gulay na ito ay ang mga sumusunod: lettuce, spinach, arugula, kale, celery, at red beetroot.
“One study found that those eating a diet with the highest amount of nitrates had a 21% reduced risk of glaucoma,” anang Very Well Health.
5. Pagsiguro sa normal na “blood pressure”
Ayon naman sa Healthline, malaki raw ang ginagampanan ng blood pressure sa tsansang magkaroon ang isang tao ng risk sa glaucoma.
“High and low blood pressure are linked to an increased risk of glaucoma. High blood pressure is more common than low blood pressure,” saad ng Healthline.
“Ways you can prevent high blood pressure include eating a diet with plenty of fresh fruits and vegetables, potassium, fiber, protein, minimizing your intake of highly processed foods,” ani Healthline.
“Choosing foods lower in sodium, maintaining a moderate weight, staying physically active, avoiding smoking, limiting alcohol consumption and getting plenty of rest,” dagdag pa nito.
Wala man itong direktang lunas, mainam at mabuting pangalagaan ang mga mata upang maiwasan ang posibleng pagkakaroon nito.