April 13, 2026

Home BALITA

Bangkay ng mag-asawa, magkahiwalay na natagpuan sa isang irrigation canal

Bangkay ng mag-asawa, magkahiwalay na natagpuan sa isang irrigation canal

Patay na nang matagpuan ang isang babae na nakasilid sa sako at palutang-lutang sa isang irrigation canal sa Cabanatuan City, Nueva Ecija.

Ayon sa mga ulat, nadiskubre ang bangkay sa Barangay Cabu matapos mapansin ng isang residente ang nakausling paa mula sa sako na lumulutang sa tubig.

Kinilala ng mga awtoridad ang biktima bilang isang 56-anyos na babae na residente ng General Natividad, Nueva Ecija.

Lumabas sa imbestigasyon na dalawang araw bago matagpuan ang babae, una nang nadiskubre ang bangkay ng kaniyang asawa sa isa ring irrigation canal sa Barangay Popolon sa Palayan City noong Marso 9, 2026.

Samantala, nakita rin umano noong Miyerkules ang motorsiklo ng mag-asawa sa Barangay Bravo sa General Natividad.

National

Simula Abril 14: PBBM, ibinida ang malaking rollback sa presyo ng langis!

Ayon sa pulisya, pinaniniwalaang pinaslang muna ang mag-asawa bago itinapon ang kanilang mga bangkay sa irrigation canal sa Palayan City. 

Posible umanong inanod ng tubig ang bangkay ng babae hanggang sa makarating ito sa Cabanatuan.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa krimen, habang wala pa ring pahayag ang pamilya ng mga biktima.