April 11, 2026

Home SPORTS

Hidilyn Diaz, nagsimula nang magturo ng weightlifting sa UP

Hidilyn Diaz, nagsimula nang magturo ng weightlifting sa UP
Photo Courtesy: Hidilyn Diaz (IG)

Ganap nang nag-umpisa ang pagsisilbi ni 2020 Tokyo Olympic Gold Medalist Hidilyn Diaz bilang guro sa University of the Philippines (UP) Diliman.

Sa isang Instagram post ni Hidilyn kamakailan, ibinahagi niya ang serye ng mga larawang kuha mula sa kaniyang weightlifting class.

“I said YES to the calling to serve our nation through teaching weightlifting in UP CHK. I hope weightlifting will be understood and loved by many Filipinos,” saad ni Hidilyn.

Dagdag pa niya, “Thank you @updchksc for giving me the opportunity to teach weightlifting in UP and to @phil.sportscommission in the leadership of Chairman Pato for donating weightlifting equipment to UP for my PE weightlifting class.”

Matatandaang noong Oktubre 2025 nang maiulat na nakatakdang magturo si Hidilyn sa College of Human Kinetics ng UP Diliman.

Manny Pacquiao, nag-ceremonial first pitch sa gitgitan ng Yankees at Athletics

Ibinahagi ng UPD Department of Sports Science sa kanilang Facebook post noon na nakipagpulong si Hidilyn sa mga miyembro ng College Executive Board ng UP CHK upang pag-usapan ang mga detalye ukol dito.

Kinumpirma rin ito mismo ng manager ni Hidilyn na si Noel Ferrer.

Hindi naman ito kataka-taka dahil siya ang kauna-unahang Pilipinong nakasungkit ng gold medal sa kasaysayan ng Olympics, na sinundan ng makasaysayang two gold medals ni Carlos Yulo sa ginanap na 2024 Paris Olympics.

Kaugnay na Balita: Hidilyn Diaz, magtuturo sa College of Human Kinetics ng UP Diliman