Nagawang patutsadahan ni Atty. Ferdinand “Ferdie” Topacio ang GMA News anchor na si Arnold Clavio sa umano’y pambubuntis nito sa isang menor de edad noon.
Matatandaan kasing naglabas ng saloobin si Clavio kaugnay sa mga kamakailang paglipana ng mga opisyal ng pamahalaan na walang respeto sa kababaihan at sinabi niyang hindi na dapat pa bigyan ng pagkakataon ang mga ito na maupo sa gobyerno.
“Hindi na dapat mabigyan ng pagkakataon ang mga katulad nila sa gobyerno na walang respeto sa kababaihan. At bakit sila naglipana ? Dahil natatawa pa tayo sa kanilang pagyayabang at papasin na mga kabastusan,” ani Clavio sa kaniyang Instagram post.
Dagdag pa niya, “Hindi na ba alam ang pagkakaiba ng tao sa mababangis na hayop? Walang lugar sa gobyerno at sa bansa ang mga predator ! Dapat ay maging extinct na sila.”
KAUGNAY NA BALITA: Arnold Clavio sa mga predator: 'Dapat maging extinct na sila!'
Ayon naman sa naging pahayag ni Topacio sa kaniyang “X” post nitong Huwebes, Marso 12, 2026, sinabi niyang sigurado umano siya sa krimeng panghahalay diumano na kinasangkutan ni Clavio sa menor de edad pa lang noon na si Sara Balabagan.
“Dear Arnold Clavio, I'm pretty sure there was a SEX CRIME committed when you had sexual intercourse several times, and then impregnated, a then-minor Sara Balabagan,” pagsisimula niya.
Screenshot mula sa “X” post ni Topacio.
Dagdag pa niya, “Dapat may special report diyan ang GMA 7.”
Dahil umano rito, magtatakda raw sina Topacio ng pagkilos sa studio ng GMA 7 para ipanawagan ang usaping ito.
“Magrarally po kami sa harap ng inyong studio to demand this,” pagtatapos niya.
Samantala, habang sinusulat ito, wala pa namang inilalabas na pahayag, reaksyon, o tugon si Clavio maging sa kaniyang social media accounts kaugnay rito.
KAUGNAY NA BALITA: Atty. Topacio, inaming pinagnasaan nang maamoy noon si Rep. Sarah Elago!
KAUGNAY NA BALITA: Atty. Topacio bumanat kay Jasmine: 'Ba't ka nagpo-post ng bikini pictures, 'di ba para pagnasahan?'