April 13, 2026

Home FEATURES Human-Interest

ALAMIN: Ano ang tinatawag na ‘fear of Friday the 13th’ at saan ito nagmula?

ALAMIN: Ano ang tinatawag na ‘fear of Friday the 13th’ at saan ito nagmula?
Photo courtesy: Freepik

Kilabot para sa marami ang pagtama ng petsang ika-13 tuwing Biyernes dahil sa mga pangyayari ng kamalasan at trahedya na itinahi sa mga nagdaang kasaysayan, paniniwala, at maging sa sikolohiya. 

Ilan sa mga pangyayari sa kasaysayan na nagsemento sa madilim na reputasyon ng “Friday the 13th” ay ang “Last Supper” ni Hesus kasama ang kaniyang mga apostol, kung saan ang ika-13 Niyang tagasunod na si Hudas Iscariote ay ipinagkanulo Siya sa mga romano, upang maipako sa krus. 

Isa pa ay ang makasaysayang pag-aresto sa Knights Templar ng Inglatera, na naatasang protektahan ang mga Kristiyanong pilgrimahe, ay inaresto at pinabagsak sa araw ng Biyernes, Oktubre 13, 1307 dahil sa mga akusasyong maling pananampalataya, pagsamba sa mga diyos-diyosan, at homosekswalidad. 

Ayon sa mga lathala sa kasaysayan, sa ilalim ng pamumuno ni King Philip IV ng France at Pope Clement V, ang Knights Templar ay pinahirapan bago tuluyang patayin, habang ang ilan ay sinunog sa araw ding ito. 

Kaya sa mga nagdaan pang siglo, ang mas umigting pa ang takot ng marami sa “Friday the 13th.” 

Human-Interest

ALAMIN: Mga kadalasang dahilan ng aksidente sa daan at tips para sa kaligtasan sa pagbiyahe

Pagtungtong ng taong 1911, nabuo ang terminong “paraskevidekatriaphobia” o ang phobia na tumutukoy sa matinding pagkatakot sa “Friday the 13th.” 

MAKI-BALITA: ALAMIN: Bakit may paniniwalang ‘malas’ ang Friday the 13th?

Mariing pinaniniwalaan dito ang kamalasang dala ng “Friday the 13th,” at ayon sa mga pag-aaral, ang mga taong mayroon nang phobia na ito ay kadalasang umiiwas na magtungo sa ibang lugar at gumawa ng malalaking desisyon tulad ng pagpirma ng mga kontrata. 

Ayon pa sa sikolohiya, ang ilan pa sa mga sintomas ng paraskevidekatriaphobia ay ang hyperventilation, magbilis na pagtibok ng puso, pagkahilo, at paggawa ng mga ritual tulad ng pagsasabit ng sapatos sa labas ng bintana upang maitaboy ang masasamang espiritu, pagkain ng bawang, o kaya’y 13 beses na pag-ikot sa loob ng bahay, at matinding takot ng pagkamatay sa araw na ito. 

Paano ito malalagpasan? 

Ipinapayo ng mga eskperto na habang ang mga nakalakhang paniniwala ay may epekto sa perspektiba at kilos ng isang indibidwal dahil sa kasaysayan, kultura, at media, ang pagkakaroon ng expectation na mayroong mangyayaring masama dahil pumatak ang petsang 13 sa Biyernes ay posibleng magdulot ng negatibong epekto sa kalusugan at pag-iisip. 

Kaya ipinapayo ng mga ito na mahalagang tandaan na ang mga hindi inaasahang pangyayari ay nagaganap din sa ibang araw at hindi lang tuwing “Friday the 13th.” 

Bukod pa rito, ang mga simpleng bagay tulad ng maayos na nutrisyon, tulog, at breathing exercises ay makatutulong upang ma-regulate at maikalma ang pag-iisip mula sa nararamdamang pagka-aligaga. 

Isa pa sa mga payo ng mga eksperto ay ang kahalagahan ng pagiging edukado sa kasaysayan at mga aktwal na pangyayari upang maiwasan na mapangunahan ng mga pamahiin at takot.