April 13, 2026

Home BALITA National

‘No travel, no hassle!’ Facial authentication, inilunsad ng SSS

‘No travel, no hassle!’ Facial authentication, inilunsad ng SSS
Photo courtesy: Freepik, SSS (website)

Idinagdag na ng Social Security System (SSS) sa kanilang serbisyo ang facial authentication upang hindi na kailanganing bumisita ng mga pensiyonado sa kanilang mga opisina para makumpleto ang kanilang Annual Confirmation of Pensioners (ACOP) requirement. 

Ayon kay SSS President at Chief Executive Officer Robert Jospeh M. De Claro, ang sistema ng facial authentication ay gumagamit ng biometric liveness checks upang matiyak ang identidad ng mga pensiyonado online. 

“This makes compliance easier, faster, and more secure, ensuring uninterrupted pension payments,” ani De Claro. 

Ang facial authentication ay inilaan sa mga sumusunod na ensiyonadong rehistrado sa National ID System (PhilSys), gayundin sa mga sumusunod: 

- Retired pensioners na nasa edad 80 pataas at naninirahan sa Pilipinas. 

National

Simula Abril 14: PBBM, ibinida ang malaking rollback sa presyo ng langis!

- Retired pensioners na naninirahan abroad. 

- Survivorship (death) pensioners

Sa bagong feature din na ito, ibinahagi ni De Claro na hindi na kinakailangang mag-log in sa “My.SSS” dahil sa pagbisita lamang ng mga pensiyonado sa SSS homepage, maaari na nilang ma-access ang ACOP icon na magiging gabay nila sa facial scan at biometric verification process, gamit ang kahit na anong device na mayroong camera, sa pamamagitan naman ng Philippine Statistics Authority’s (PSA) National ID eVerify system. 

Ani De Claro, layon ng sistemang ito kumpirmahin ang presensiya ng pensiyonado upang maiwasan ang anumang uri ng panloloko. 

“The verification process takes less than a minute and immediately updates SSS records while confirming that a live person is present, preventing fraudulent activity,” saad ni De Claro.

Para naman sa mga pensiyonadong walang kagamitan, maaari silang magtungo sa pinakamalapit nilang SSS branch para sa assistance. 

Tiniyak ng ahensya na nananatili pa rin ang ilan pang opsyon tulad ng in-person visits o scheduled video appointments. 

Sa mga inisyatibang ito, layon din ng SSS na pagbutihin ang kanilang serbisyo sa tinatayang apat na milyong pensiyonado sa loob at labas ng bansa, habang pinagagaan ang kanilang mga alalahanin sa kabila ng pagtaas ng pamumuhay. 

“No travel. No hassle. Just quick, secure verification from home,” pagtitiyak ni De Claro.