SA pangalawang pagkakataon, makalipas ang apat na taon ay tinanghal si Lav Diaz bilang best director sa Venice International Film Festival sa Orrezonti Award (Horizon section) para sa pelikulang Lahi, Hayop (Genus Pan).
Pinasalamatan ni Lav si French director Claire Denis, head of the jury at actress Cate Blanchett, president of jurors sa pagsasagawa ng (VIFF) na hindi online sa gitna ng trahedyang dinaranas sa buong mundo. Ipinakita ng Festival Committee na puwede itong gawin basta may disiplina.
Patungkol ang Lahi, Hayop sa tao as animals and acting like one. Ang cast ay binubuo nina Nanding Joseph, Joel Saracho, Popo Diaz, Elvira Dayadante. Surprisingly mahigit dalawang oras lang screening time ng pelikula.
Noong 2016 ay nauwi ni Lav ang Golden Lion Best Director Award - (Main Competition) para sa Ang Babaeng Humayo (The Woman Who Left) na pinagbidahan nina Charo Santos at John Lloyd Cruz.
-REMY UMEREZ