LAKE BUENA VISTA, Florida (AP) — Nakaalpas sa dikdikang duwelo ang Toronto Raptors at maipuwersa ang krusyal Game 7 laban sa Boston Celtics sa kanilang Eastern Conference semifinals.
Kumana si OG Anunoby — bayani sa Game Three sa kanyang buzzer-beating 3 — nang krusyal three-pointer sa huling isang minuto ng second overtime, bago nasundan nang jumper ni Kyle Lowry sa huling 11.7 segundo para sandigan ang Raptors sa 125-122 panalo sa Game Six nitong Miyerkoles (Huwebes sa Manila).
“Game 7 to go to the Eastern Conference finals. All you can ask for is a chance,” pahayag ni Toronto guard Fred VanVleet.
Hataw si Lowry sa naiskor na 33 puntos, habang kumana si Norman Powell ng 23 puntos at umarya si Anunoby na may 13 puntos at 13 rebounds.
Nanguna sa Boston si Jaylen Brown na may 31 puntos at 26 rebounds, habang tumipa si Jayson Tatum ng 29 puntos, 14 rebounds at siyam na assists.
CLIPPERS 96, NUGGETS 85
Kulang lang ng isang assist para maitala ni Kawhi Leonard ang kauna-unahang playoff triple-double sa dominanteng panalo ng Los Angeles Clippers kontra Denver Nuggets sa Game Four ng Western C o n f e r e n c e semifinals.
K u m a n a si Leonard ng 30 puntos, 11 rebounds, siyam na assists, apat na steals at dalawang blocked shots para gabayan ang Clipperds sa 3-1 bentahe. Target ng Clippers na tapusin ang serye sapaglatag ng Game 5 sa Biyernes (Sabado sa Manila).
Nagsalansan si Nikola Jokic ng 26 puntos at 11 boards sa Nuggets.