‘ByeByeYou Tube’ ito ang titulo ng episode ngayon ni Fumiya Sankai ang Japanese housemate sa Pinoy Big Brother Otso at na naging kaibigan at katambal ni Yamyam Gucong, ang grand winner naman ng PBB Otso noong 2019.

Dahil nagsara na ang ABS-CBNdahil ibinasura ng Kongreso ang aplikasyon nila para sa franchise renewal ay hindi na nakabalik pa ng Pilipina si Fumiya bago pa pumutok ang COVID-19 pandemic.

Matatandaang bumalik ng Japan si Fumiya para magpagamot kaya’t nawala siya bigla sa sitcom na Home Sweetie Home kung saan regular siyang napapanood kasama si Yamyam.

May 2.08M subscribers ang FumiShunBase TouTube channel si Fumiya kaya maraming nagulat sa pamamaalam niya pero naintindihan naman ang binata. Aniya, “Thanks so much for always supporting me and I have some announcement, bye bye youtube di ba? Kasi I will have konting break, major break.” Inamin ng binata na hindi niya sigurado kung kailan siya muling babalik sa youtube na puwedeng weeks o matagal na panahon.

Relasyon at Hiwalayan

Chloe punumpuno ang puso dahil kay Carlos, inurirat kung kailan papakasal

Nabanggit pa na magiging busy si Fumiya at hindi na niya kayang pagsabayin ang editing ng YT niya.

“Doing other things and editing is very mahirap that’s why I need Filipino editor,” tumawang sabi ni Fumiya.

At ang dahilan ng pag-babu ni Fumiya, “because I’m preparing for my clothing brand perfume brand and I will announce it coming soon. Pero may sobrang big announcement pa sa inyo guys, pero ngayon, I can’t say anything kaya now I want to focus sa other thing muna.”

Dagdag pa, “Youtube channel is rest but Instagram, I will post everyday and will upload videos, so please check.”

-REGGEE BONOAN