KUMPIRMADONG hindi na matutuloy ang kasal ngayong taon nina Angel Locsin at Neil Arce dahil sa COVID-19 pandemic.

angel at neil

Nang pumutok ang balita tungkol sa COVID ay tinanong namin kaagad ang aktres kung ano ang plano nila ng fiancé at sinagot kami ng, “hindi po namin masasabi sa ngayon.”

Abala sina Angel at Neil noon sa pamamahagi ng mga kailangan ng frontliners at health workers ng tanungin namin.

Teleserye

Karina Bautista, kinatatakutan na dahil sa 'Maguad siblings'

Nabanggit din ng aktres na kung sakaling itutuloy nila ay iniisip din nila ang security ng kanilang mga bisita sa panahon ng pandemya.

Oo nga naman siyempre gusto nina Neil at Angel na present ang lahat ng taong mahal nila sa buhay at mga kaibigan sa araw ng kanilang pag-iisang dibdib.

E, sa panahon ngayon kahit na nasa ilalim ng General Enhance Quarantine ang Metro Manila at karatig lugar nito ay limitado pa rin ang mga taong dadalo sa mga pagtitipon.

Kaya ang final answer, postponed ang kasal ngayong 2020 nina Neil at Angel at umaasa silang wala ng pandemya sa 2021 para sa kanilang grand wedding.

-REGGEE BONOAN