MASAYA ang mga fans ni Judy Ann Santos, nang mai-post ng GMA Network na itatampok nila sa isang episode ng “Telesine Presents” ang actress sa kuwento ni Cara Mystica, isa sa mga natatanging pelikula na gawa para sa telebisyon.

judy ann

Kaya simula ngayong gabi, muling mapapanood ang mga episodes ng “Telesine Presents” na mga dekalibreng istorya na magpapatawa, magpapaiyak, magpapakilabot, at magpapakita ng iba’t ibang sitwasyon sa buhay.

At una ngang bibida si Juday sa “Cara Mystica” na bilang si Cara, ay isang dalagang kinukutya sa kanilang bayan dahil sa kanyang panlabas na anyo. Kung mayroong mang hirap siyang pinagdaraanan, hindi pinabayaan si Cara ng kasambahay at kaibigan niyang si Gomer (Romnick Sarmenta) na itinuring na niyang inspirasyon at tagapagtanggol laban sa mga nananakit sa kanya.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Pero isang araw, makikita ni Cara ang antique na salamin sa kanilang bahay, na sinasapian ng espiritung si Misty. Bibigyan niya si Cara ng pagkakataong gumanda na babago sa buhay ng dalaga.

Abangan kung ano ang magic ng salaming si Misty para mabago niya ang itsura ni Cara. Sagot na ba ito para tuluyang lumigaya si Cara?

Ang Cara Mystica ay mapapanood ngayong gabi, August 23, 11:15 PM pagkatapos ng The Boobay and Tekla Show sa GMA-7.

-NORA V. CALDERON