NASA Viva Artist Agency na pala si McCoy De Leon?

117672296_676789986267149_7927692417873252853_n

May nag-inquire kasi sa aktor para sa isang online project sa Star Magic pero sinabing ang Viva na raw ang kakausapin tungkol dito.

Nadiskubre si McCoy bilang isa sa miyembro ng Hashtag sa It’s Showtime at napasama sa Pinoy Big Brother: Lucky 7 kasama ang kapwa dancer na si Nikko Natividad sa 2 in 1 Celebrity Housemate.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Ang una niyang TV show ay ang Be Careful with My Heart 2014-2016 at nagkasunud-sunod at marami ring awards na natanggap.

Nasubukang maging bida sa pelikulang G! na entry sa FDCP’s 3rd Pista ng Pelikulang Pilipino na ipinalabas noong 2019.

At sa kasalukuyan ay kasama si McCoy sa FPJ’s Ang Probinsyano bilang kapatid ni Alyana (Yassi Pressman).

Hindi naman siguro mawawala ang aktor sa serye kahit na iba na ang magma-manage ng career niya dahil pareho na sila ni Yassin a Viva ang manager.

Anyway, for the record ay nitong Lunes ng gabi lang nagpaalam si McCoy sa Star Magic na lilipag siya sa Viva.

Kelan kaya ang announcement ng Viva sa paglipat ng aktor.