Sa kabila ng pananalasa ng Covid-19 pandemic, tiniyak ng Kamara ang pagsusulong ng mga panukala para sa higit na access ng mga estudyante na magtamo ng higher at technical education.

Kamakailan, pinagtibay ng House Committee on Higher and Technical Education ang mga panukalang batas na magsusulong sa “better access of students to higher and technical education even amid the COVID-19 pandemic”.

Inaprubahan ang House Bill 6502 na nagpapalit sa Bulacan Agricultural State College upang maging isang state university, at ang House Bill 6800 na naglalayong magtatag ng mga kampus o satellite campuses ang University of Eastern Philippines sa Northern Samar.

Samantala, lumikha ang komite na pinamumunuan ni Baguio City Rep. Mark Go ng isang Technical Working Group (TWG) na mag-aayos sa nasabing mga panukala upang maisulong ang mga karapatan at kagalingan ng libu-libong mag-aaral para sa pagtamo ng mataas na edukasyon.

National

Malacañang, nagdeklara ng 'National Mourning' sa pagpanaw ni Pope Francis

-Bert de Guzman