MATAGAL nang nasa Israel ang boyfriend ni Kapuso actress Rhian Ramos kaya nasorpresa siya nang makatanggap siya ng napakalaking bouquet of flowers mula kay Amit Borsak, na ipinost niya sa kanyang Instagram account.

rhian at amit

Pansamantala ngang wala si Amit sa bansa pagkatapos niyang bumalik sa Israel nang pinayagan nang bumalik sa kanilang bansa ang mga foreigners na inabutan ng lockdown sa Pilipinas dahil sa COVID-19 pandemic. Naiwan dito si Rhian at nakatira siya ngayon with her Mom sa kanyang childhood home.

Sinagot naman ito ni Rhian ng “we miss you “haim shell, I wuv you.” Ang ‘haim shell’ ay common term of endearment in Hebrew language na isa sa mga languages na ginagamit ni Amit since taga-Israel nga siya. Ang literal translation nito is ‘my life,’ or ‘my soul.’

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Ayon pa kay Rhian, nag-improved daw ang communications nila ng boyfriend after nilang magkasama sa early days ng quarantine. Sa ngayon, na naghihintay pa si Rhian na mag-resume ang taping nila ng Love of my Life, nina Carla Abellana at Mikael Daez, kaya nililibang muna niya ang sarili sa vlogging, trying arts and crafts, at cooking , kaya naigi-guest siya ngayon sa mga fresh episodes ng mga cooking shows ng GMA Network, tulad ng Taste Buddies at Chef Boy Logro.

-Nora V. Calderon