Hindi na itutuloy ang reklamo sa mga dati at kasalukuyang opisyales ng PhilHealth na una nang inihain sa Office of the Ombudsman noong Agosto 2019.

Ito ang inihayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque na ayon sa kanya ay nagsisilbi na kasi siyang tagapagsalita ni Pangulong Rodrigo Duterte K

Idinahilan nito, may gumugulong na rin namang imbestigasyon sa mga namumuno sa ahensya kaya hindi na nito itutuloy ang kaso.

“Isa pa, hindi lang iisa kundi tatlo-tatlo pa ang sumisilip sa kasalukuyan na kinabibilangan ng Office of the President, Senado at ang Presidential Anti-Corruption Commission (PACC),” katwiran nito.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

Gayunman, kumpiyansa si Roque na sa mga isinasagawang pagsisiyasat, nakatapos na ng kanilang imbestigasyon ang PACC at naisumite na ang report nito sa tanggapan ni Pangulong Duterte.

Sinabi pa ni Roque na mayroon siyang source sa loob ng PhilHealth na nagsasabing totoo ang mga naisiwalat na korupsiyon at mafia sa ahensiya, sa isinagawang pagdinig sa Senado, kamakailan.

-Beth Camia