NAPANOOD namin ang interview kina Barbie Forteza at Kate Valdez na kung saan, ibinalita ng dalawang Kapuso aktres na malapit na silang mag-resume ng taping ng rom-com series na Anak ni Waray Vs. Anak ni Biday na kanilang pinagbibidahan.
Ayon pa kay Barbie, nakailang Zoom meetings na silang cast, ang production staff at program managers para plantsahin ang safety measures sa taping. Sobrang careful daw ang staff para masigurong makakaiwas sa hawa ng COVID-19 ang lahat ng involved sa taping.
Samantala, birthday ni Barbie noong July 31 at dahil bawal pa rin ang mass gathering, ang parents lang niya, fur babie at boyfriend na si Jak Roberto ang present sa kanyang 23rd birthday.
Sa kanyang IG page, binati ni Jak ang GF ng “Happy Birthday to my sexiest, prettiest, to my “THE ONE” Madam!!! Another year ng blessing madam. Dami nating napuntahan last year at ang dami din natin nakain. Salamat sa pagiging supportive! I love you!”
P.S. Ngayon lang tayo nakapagpost at bumati dahil may kalokohan nanaman akong naisip sa birthday ni Madam.
Ano kaya ang kalokohang tinutukoy ni Jak? Abangan natin.
Napapanood sina Barbie at Jak sa rerun ng Meant To Be na napapanood sa GMA Telebabad.
-Nitz Miralles