Iginiit ni Senator Nancy Binay na hindi na dapat pag-usapan pa ang death penalty sa bansa, sa halip ang pagtuunan muna ng pansin ay kung paano aangat ang ekonomiya sa gitna na rin ng coronavirus 2019 pandemic.
Iginiit nito, wala sa timing ang panawagan ng Pangulo sa kanyang State of the Nation Address (SONA) kamakailan.
“Unless maayos ‘yung justice system natin, kawawa ‘yung mahihirap. They can’t afford the best lawyers. There’s always that, hindi magiging patas ang hustisya hanggang hindi naaayos (ang sistema),” ani BInay,
Sabi nito, ang mga mayayaman at makapangyarihan lamang ang may kakayahang kumuha ng mga de-kampanilyangg abogado kaya nakailigtas sila sa parusang kamatayan habang ang mahiirap naman ang siyang nagdurusa.
-Leonel Abasola