NAG-POST si Pambansang Bae Alden Richards ng certificate ng kanyang SARS-CoV2 igd/IGM antibody Rapid Test. Ayon sa certification, issued last July 25, 2020, the patient, Richard R. Faulkerson Jr., tested negative to both IgM and IgG antibodies. The certification issued upon the request of the patient for travel / work purposes only.

alden

Sa pagpapa-test ba ni Alden, nangangahulugan ito na ready to work na siya, balik na ba siya sa taping ng mga projects niya sa GMA Network? Malalaman natin kung anong programa ni Alden ang una niyang iti-tape.

May ilang programa na kasi ang GMA na mga fresh episodes na ang mga ipinalalabas. Balitang may mga naka-schedule na rin silang teleserye na magbabalik-taping na next month, sa August, tulad ng Anak ni Waray vs. Anak ni Biday, Magkaagaw, Love of My Life at Bilangin ang Bituin sa Langit.

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

-NORA V. CALDERON