SA panawagan ni Angel Locsin sa mga kapwa artista sa ginanap na protest rally sa harapan ng ABS-CBN, Sgt Esguerra, Street Quezon City nitong Sabado na bakit hindi pa sila nagsasalita para ipagtanggol ang Kapamilya network ay klinaro ng aktres na in general yun at wala siyang personal na pinatungkulan.

angel

Pagkalipas kasi ng isang araw ay nag-post na ang Popstar Royalty na si Sarah Geronimo – Guidicelli ang pagsuporta niya sa ABS-CBN at pinasalamatan niya dahil sa nabago ang buhay niya at ng kanyang pamilya.

Naka-chat namin si Angel nitong Linggo ng gabi habang mainit na nagsasagutan sa Twitter ang fiancé niyang si Neil Arce at GMA creative consultant na si Suzette Doctolero.

Relasyon at Hiwalayan

Kobe Paras, naka-three point shot na ba sa puso ni Kyline Alcantara?

Nabanggit namin kay Angel na nag-post na si Sarah G. at kumalat na siya ang pinaringgan niya sa pahayag niyang, “Yung mga kasamahan kong artista na hindi pa rin nagsasalita. Ano tatahimik na lang kayo? Wala na kayong network! Ano magpapa-cute na lang kayo sa Instagram?”

Nagkausap na pala sina Angel, Sarah at Matteo, “Nasabi ko na rin po kina Matteo na hindi ko pinaparinggan si Sarah bilang kilala naman natin how pure she is. But her statement is greatly appreciated.”

Pagkalipas nang tatlong oras ay ang asawa naman ni Sarah na si Matteo ang nag-post, “We lit a candle last night. Took a moment and prayed for each and every employee some of which are close to my heart from the years we spent together. Hold on tight, we will rise again.”

Natanong din namin si Angel tungkol sa sinabi niya na bukod sa wala siyang kontrata sa ABS-CBN ay wala rin siyang shares (of stocks).

Pinuna ang aktres sa sinabi niyang ito ni Suzette at naglabas ng opisyal lists ng stockholders na pinost niya sa kanyang FB page at nasa bandang itaas si Angel na ibig sabihin ay malaki ang shares niya sa ABS-CBN.

Bagama’t nasagot na ito rati ng aktres ay inulit namin ang tanong,”nabasa mo po sagot ni Neil (Arce–fiancé niya), ka-tweet niya si Suzette.”

Ayon sa sagot ni Neil kay Suzette, “Shares were not paid for po, you can check she let that go awhile back. Hindi lang po na update ‘yan (listahan) kasi gusto ng ABS kunin niya pero ayaw niya kunin. You can sue me if I’m lying. She (Angel) let it go (stocks) before ABS shut down. Anyways, I pray na hindi mangyari sa GMA ang nangyari sa ABS dahil karamihan ng akusasyon sa kanila ay ginagawa rin ng GMA at alam naman natin na hindi illegal yun. Don’t worry di kami katulad mo. Pag nangyari sa inyo yun pag-lalaban namin kayo.”

Sagot ni Suzette kay Neil, “Why sue u? We all believe sa freedom of expression di b? I’ve no beef with ur jowa, naka-work ko s’ya sa 2 movies and she’s an angel. Nag-react lang ako sa “walang wala” bago lumipat sa ABS. Other than that, no ako prob sa laban nya. Its a worthy cause and ur one lucky guy. At siya rin ay maswerte sa’yo kasi pinagtatanggol mo s’ya. And I find that so admirable. Ingat na lang sa statement n’ya. She needs more support for ABS and not enemies.”

Ikinuwento rin ni Suzette kung gaano kabuti ng puso ng aktres nang makasabay niya papasok sa elevator.

“Believe it or not fan ako ng Angel-Richard (Gutierrez) lt (loveteam). Nakasabay ko si Angel sa elevator nu’ng nasa GMA siya, nakita n’ya ‘yung janitor, she asked him ‘how are u kuya’ or something. Me puso di ba? Kaya wala ako prob sa kanya. Nag-react lang ako sa false statement na ‘walang-wala’ bago go ABS.”

Si Angel ang unang kapalitan ni Suzette ng mensahe at klinaro niya na malaki ang utang na loob niya sa GMA.

“Kayo (Suzette) lang po ito. Hindi po ang GMA kaya wag n’yo pong idamay. Wala po akong sasabihing hindi maganda sa GMA at malaki ang utang na loob ko sa network. Kayo lang po ang kausap ko :) and please use your voice para makatulong sa kapwa mo sa industriya. Kelangan ka namin,” pakiusap ni Angel.

May nakisawsaw namang netizen na tila nagulo ang takbo ng usapan kaya pinayuhan siiya ni Angel, “Angel,“Wag mo nang patulan people might think na this is just a battle bet networks & not the whole film & TV industry. That’s just one sad opinion of an artist na walang pakielam sa kapwa kasi comfortable sya sa ngayon. I love GMA ppl (people), 1 tao lang naman ang bad sakin du’n pero wala na now.”

Hayan, klaro na, may misunderstanding sa palitan ng salita dala na parehong mainit ang mga ulo, dumagdag pa ang mga nakisawsaw na netizens na halatang pinag-aaway ng husto ang magkabilang panig.

At tungkol sa sinasabing shares, paki-update na nga kasi ang listahan para matapos na ang usaping ‘yan na sinasabing kaya nag-iingay si Angel ay dahil sa stocks niya sa ABS-CBN.

-REGGEE BONOAN