HINDI namin madalas mabisita ang Instagram (IG) account ni Catriona Gray, kaya hindi namin masabi kung totoong namba-block si 2018 Miss Universe o kaya’y dine-delete ang comments patungkol sa isyu ng ex-boyfriend nitong si Clint Bondad.

Nang bisitahin namin ang IG ni Catriona, walang nagbanggit kay Clint at kung may nagbanggit man, wala nitong pangalan, blind item lang. Pero sa current boyfriend na si Sam Milby, ang daming nagbanggit, pero hindi sinagot ni Cat ang tanong ng netizen kung sila na ni Sam.

Wala rin namang sagot si Catriona sa rami ng cryptic post ni Clint, may post itong “The weapon may be formed but it won’t prosper. When the darkness falls it won’t prevail. Cause the God I serve knows only how to triumph. My God will never fail” na mula sa “See A Victory Elevation Worship” na feeling ng mga nakabasa ay patungkol sa mga pinagagawa ni Clint.

Also, pinasalamatan ni Cat ang 10 million followers niya at ang sabi, :Happy 10 MILLION my loves thank you for all the support on this crazy journey called life!

Tsika at Intriga

Habang si Maris namundok: Anthony, pumarty kasama ang Incognito stars

Speaking of Clint, tuloy pa rin ang pagpo-post nito ng cryptic messages sa kanyang IG Story, pero hindi na masyadong focus kay Catriona. May Sam itong nabanggit sa isa sa latest IG Story and cryptic post at ang sabi, “Poor Sam hahaha” na ang paniwala ng nakabasa ay si Sam Milby ang tinukoy ni Clint.

Anyway, nag-react ang mom ni Catriona sa IG post ng isang non-fan ni Catriona at halatang fan ni Clint. Comment ng mom ni Catriona, “You continue to defame my daughter and you do so at your own peril.”

Ang sagot ng may IG account, “Sorry po, Mum. Wala naman po kaming ginagawang masama. Sineshare lang po namin ang ganap na kagagawan din ng unica hija mo.”

-Nitz Miralles