Nagtatapon lamang ng pera ang pamahalaan kung kukuha pa ng contact tracers dahil niluwagan na ang quarantine restrictions sa kabila ng tumataas na kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.

Ito ang reaksyon ni House Deputy Minority Leader at Iloilo Rep. Janette Garin, isang doktora at dating Health Secretary noong panahon ni Pangulong Benigno Aquino III.

“Contact-tracing using hired personnel would have been better during the lockdown. But at this point when we have partially – and the others have fully opened – contact-tracing without technology is almost impossible,” aniya.

Kaugnay nito, sinabi ni Tarlac Rep. Victor Yap, chairman ng House committee on information and technology, dapat gumamit ng blue-tooth technology sa contact-tracing sapagkat ito ang pinakamabuting paraan upang maprotektahan ang privacy ng mga indibidwal.

Internasyonal

Sikat na nagyeyelong Mt. Fuji sa Japan, hindi nag-snow matapos ang 130 taon

“Blue-tooth technology should be used. Many will complain about this, but it doesn’t have any privacy issue. Other technologies have issues on privacy, and the questions about it will only prolong the application,” ayon pa sa mambabatas.

Bert de Guzman