NAGPAALAM na si Chika Minute host ng 24 Oras, Iya Villania last Friday, July 10. Nag-maternity leave na siya para sa nalalapit na pagsisilang niya ng baby number 3, nila ng asawang si Drew Arellano ng GMA Network Public Affairs. Isang surprise video ang handog sa kanya ng kanyang 24 Oras family mula sa mga kasama niya sa trabaho, kaibigan at pamilya.

iya

Ayon kay Mars Pa More co-host na si Camille Prats, “Almost every episode, imposibleng wala siyang masasabi na hindi nakakatawa. Kailangan mo namang maranasan kung ano ‘yung dynamics ng may anak na babae kasi sobrang galing mong mag-alaga ng boys.”

Kasama ring nagbigay ng message sina Judy Ann Santos at asawang si Ryan Agoncillo, Suzy Entrata at husband Paolo Abrera, at siyempre, si Drew at ang dalawa nilang boys na sina Primo at Leon. “We just want to let you know that we love you so much and we can’t wait for the third baby. We’re rooting for you and have a safe delivery,” sabi ni Drew.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Safe delivery at kalusugan ng baby nila ang hiling ni Iya. “I’m feeling it’s another boy. May konting takot with the whole COVID thing that’s been happening. I’m just praying for a safe delivery and a healthy baby and to recover right away para balik-trabaho kaagad!”

Bago nag-leave nakapag-taping na rin si Iya ng masayang chikahan at kumustahan nila ng mga Kapuso moms na sina Camille at Solenn Heussaff sa bago at special episodes ng “Mars Pa More” para sa kanilang anniversary week simula sa July 27, 8:50 AM sa GMA Network.

Nora V. Calderon