BAGAMAT nagpakita ng kanilang suporta ang ilang mga University Athletic Association of the Philippines (UAAP) schools sa ABS CBN pagkaraan nitong mabigong makakuha ng “franchise renewal” sa Kongreso, tila napipinto ng matapos ang halos 20 taong partnership sa pagitan ng liga at ng istasyon.

uaap

Posible umanong humanap ng bagong broadcast partner ang liga para na rin sa ikabubuti nito.

Ayon sa mga namumuno sa liga, bukas sila sa oportunidad na makakatulong sa interes ng buong UAAP community.

Tsika at Intriga

'DJ,' nabanggit ni Kathryn Bernardo sa Family Feud

“Proceed as planned. We will conclude negotiations, then evaluate. Consider other parties, if necessary,” wika ni UAAP executive director Atty. Rebo Saguisag.

“We will have to choose what is for the best interest of the UAAP community,” dagdag pa nito.

Hindi pinagbigyan ng House Committee on Legislative Franchises ang aplikasyon ng ABS CBN para sa panibagong prangkisa sa botong 70-11 noong nakaraang Biyernes.

Kaugnay nito, nawalan ng television coveror ang UAAP at iba pang mga liga gaya ng NCAA, PVL at MPBL .

Kasabay ng pangyayari ang negosasyon ng UAAP at ABS-CBN para sa panibagong kontrata makaraang mapaso ang kanilang 5 taong kontrata noong Mayo 31.

“We commiserate with our long-time partner but this is ultimately a business decision that the board will have to make using their best judgment,” saad pa ni Saguisag.

-Marivic Awitan