SINA Barbie Forteza at Chynna Ortaleza ang dalawa sa Kapuso stars na nag-attend ng online acting masterclass ng seasoned actress na si Ms. Cherie Gil, na nagsimula na noong Martes at tatagal ito ng ilang araw pa.

barbie

Ibinahagi ito ni Chynna sa kanyang Instagram post with a caption na: “So I joined Cherie Gil’s Masterclass and the insights I learned are jewels of a lifetime. I love being an actor!”

Humanga ang mga netizens kina Barbie at Chynna dahil willing pa rin daw silang matuto sa kabila na ilang taon na rin sila sa industriya. Si Barbie naman, ang tagal na rin daw niyang gustong makasama sa teleserye si Ms. Cherie, pero hindi pa siya nagkaroon ng chance. Gusto raw kasi niyang matikman kung paano ang masampal ng number one kontrabida na labis niyang hinahangaan.

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

Bukod kina Barbie at Chynna, ilan pang aspiring actors na gustong matuto sa masterclass mula kay Cherie.

Naka-schedule pa ang Zoom class ni Cherie sa July 14, 16 at 18, kung saan ibinabahagi ng mahusay na actress ang mga natutunan niyang acting methods sa loob ng 45 taon na niya sa showbusiness.

-Nora V. Calderon