HINDI napigilan ng Kapamilya news anchor na si Julius Babao na maglabas ng kanyang saloobin sa social media sa akusasyon ng ilang mambabatas na “bias” umano sa pagbabalita ang ABS-CBN.

julius babao

Ito’y sa gitna nang pagpapatuloy na pagdinig ng franchise renewal ng network sa Kongreso.

Idinaan ni Julius sa Twitter ang sagot sa akusasyon.

Pelikula

Vice Ganda, inihalintulad si Robredo sa kaniyang karakter: <b>‘Ikaw ang naging breadwinner nating lahat’</b>

“Gusto ko lang linawin sa mga kabataan na ang mga journalist ay hindi PR practitioners. Trabaho naming maging patas sa pagbabalita pero hindi namin obligasyong magpaligaya ng taong ibinabalita naming.”

Bilang isa sa maituturing na beteranong mamamahayag ng Kapamilya network, naniniwala rin si Julius na naging patas ang pagbabalita ng ABS-CBN sa paglalahad ng mga impormasyon para sa mga Pilipino.

Kaya naman, hindi rin katanggap-tanggap ang posibleng kahinatnan ng mga empleyado ng ABS-CBN sakaling hindi mabibigyan ng prangkisa ang network.

“Lahat ng mga issues na lumalabas laban sa ABS-CBN ay pwedeng solusyunan ng mga bagong patakaran at pag-uusap pero ang pagkawala ng hanapbuhay ng 11,000 na manggagawa sa panahon ng pandemya ay hindi talaga katanggap-tanggap,”ayon sa Twitter post ni Julius.

“There are more than enough reasons for Congress to grant ABS-CBN its franchise. Most of us outside Congress know it. The rest just wants to believe in an alternate reality,” pahayag pa ng reporter.

“Inuulit ko ang mga nag-aasam at nangangarap na mawalan ng trabaho ang 11,000 na manggagawa ngayong panahon ng pandemya ay mga kampon ng kadiliman,”ayon pa kay Julius.

-ADOR V. SALUTA