YOUTUBE channel ang pinatitripan ng ilang celebrities sikat man o hindi. And why not? Pag-uusapan sila at they consider it as an investment depende sa dami ng followers.

bb

Isa ito sa pinagkaka-abalahan ni BB Gandanghari na nagsiwalat ng kanyang mga saloobin o tampo sa kapatid niyang si Robin. Ang sumunod niyang binanatan ay si Vice Ganda na tinawag niyang bobita o walang utak.

Sa latest vlog na super haba and reads like a personal diary ay ang nanahimik at dating asawang Carmina Villaroel ang pinag-ukulan niya ng pansin. But what for? Bakit magbabalik tanaw noong mag-asawa pa sila which is best laid to rest. Matagal ng panahon ang lumipas at walang komentong nagmula kay Carmina o kaya sa manager niyang si Ms. Dolor Guevara na kilala for her frankness. Silence is a virtue and we admired Carmina for that. She has found love and happiness which she richly deserves.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Sa totoo lang gamit na gamit si Carmina para makahatak ng followers ang vlog sa YouTube ni BB na nawalan ng career sapul ng magladlad siya via PBB years ago sa tunay niyang pagkatao. Ang siste nga lang sa pagkalkal niya sa kanyang buhay may asawa noong ‘di pa niya pinapatay si Rustom Padilla ay OA ang naging dating at turn off ang marami.

-REMY UMEREZ