NAGBABALA si Asia’s Multimedia Star Alden Richards sa mga netizens laban sa isang poser na ginagamit ang kanyang identity para gumawa ng fake Instagram account. Ipinaalam ito ni Alden sa pamamagitan ng kanyang Instagram stories last July 3. Kailangan lamang pansinin ng mga netizens ang account name dahil @aldenrichards02 ang Ig account ni Alden pero ang ginagamit ng poser ay @aldenrichards2002.

alden richards

Samantala, sa kabila ng COVID-19 pandemic, tuloy ang work ni Alden, shooting his coming TVCommercials, photo shoots para sa launching nito, bukod pa sa araw-araw ay napapanood siya sa Eat Bulaga kasama sina Bossing Vic Sotto, Jose Manalo, Wally Bayola, Paolo Ballesteros at si Maine Mendoza, para sa kanilang segment na “Bawal Judgmental.” Every Sunday naman ay kasama si Alden sa live streaming ng All-Out Sundays na napapanood sa Facebook, Twitter at YouTube accounts ng musical-variety show.

Hindi pa rin nagri-resume ang taping nila ng singing contests na Centerstage although patuloy ang audition nito, kaya nagkakaroon siya ng time para makipag-interact sa kanyang gamer fans sa pamamagitan ng #ARGaming.

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

Tuwing may live streaming si Alden ng games, may mga premyo siyang ipinamimigay sa mga gamer fans. Una niyang prize na ibinigay ay isang iPhone 11 Pro Max. Pero last Saturday, July 4, tatlong (3) Samsung tablets ang ipinamigay ni Alden at kagabi, July 5, dalawa (2) pang Samsung tablets ang ipinamigay niya.

-NORA V. CALDERON