NAKAMIT ni Filipino Waldimar Langcay ang Philippine E-9 international chess tournament (over the board) title nitong Sabado sa JB Bank Suwon Foreigner Banking Center sa South Korea.
Nakisalo si Langcay sa kababayang si Jun Jun Jabay sa top place tangan ang paregong 4.5 puntos, ngunit nanaig ang una via quotient sa event na inorganisa ng Philippine E-9 chess club, ang bukod tanging Filipino Chess Club sa South Korea.
Ang mga nakapasok sa top 10 ay sina Khishigtur Batsaikhan ng Mongolia (3rd), Jonathan De Dios ng Philipines (4th), Otgunhuu ng Mongolia (5th), Ruel Gomez ng Philippines (6th), Sungmin Kyun ng Sokor (7th), Johnvic Yu (8th), Joel "Recca" Carcueva (9th) at Rogen Luna ng Philippines (10th).
Si Fide International Arbiter Junil Choi ng South Korea ang nagsilbing chief arbiter sa nasabing chessfest kung saan ang kanyang assistant ay si Norwin Altez Marasigan ng Philippines.