NAPAGDESISYUNAN ng Asean Para Sports Federation (APSF) na gawin na Oktubre ang hosting ng Pilipinas ng 10th Asean Para Games.

Ito ay matapos na iurong ito buhat sa orihinal na petsa na Enero sa Marso 20 hanggang 27 dahil sa kailangan ng budget ng Philippine Sports Commission (PSC).

N i t o n g nakaraang Pebrero ay inannu syo ng PSC kakanselahin muna Ang ilangnmga nakatakdang aktibidades kasama ang APG sanhi naman ng lumalaganap na COVID-19.

Ngunit kamakalawa ay nagkabas ng pahayag Ang APSF Kung saan ayon Kay Philippine Paralympic Committee president Michael Barredo na napagdesisyunan ng APSF Board of governors na isagawa ang laro sa Oktubre 3 hanggang 9 o hanggang sa masiguro na ang kaligtasan ng lahat kontra sa nasabing virus.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

``Majority of the (APSF) Board opted for an Oct. 3 opening (ceremony) and Oct. 9 closing,’’ ayon kaya Barredo na siyang kasalukuyang chairman APSF board of governors.

Dumalo ang walo sa sampung miyembro bansa ng nasabing APSF board, sa isang emergency meeting na kanilang ipinatawag hinggil sa pagsasagawa ng laro.

Ranging Ang Brunei y Mayanmat lamang ang Hindi nakapagpadala ng kanilang kinatawan para sa nasabing pagpupulong.

``Each came up with their respective opinions, most of them affirmative. However, there were uncertainties. There were questions about covid-19 and what are we going to do,’’ ani Barredo.

``After receiving those comments, I’ve decided there was no need to push through,’’ ayon pa sa kanya.

Siniguro din ni Barredo sa mga miyembro ng board na hands ang Pilipinas matagal na para sa hosting nito.

Muling magsasagawa ng pagpupulong ang APSF board ng pagpupulong sa huling Linggo ng Hulyo upang malaman kung huhupa na ang sitwasyon hinggil sa covid-19 bagonmuking kumoirmahin kung itutuloy ang nasabing biennial meet.

` ` T h e o r g a n i z i n g committee will continue to prepare with the timeline that we will probably work on within the week or next week, then we will work backward from Oct. 3 in terms of where we are now,’’ pahayag ni Barredo.

-Annie Abad