NAG-TWEET si Marvin Agustin na nakakaranas siya ng flu-like symptoms na tulad ng nararanasan ng may COVID-19. Hindi raw siya sigurado kung may COVID-19 na siya pagkatapos niyang magkaroon ng high fever, four days ago na ang temperature niya ay umabot ng 39.2 at iyong last day, 36.4.

“Hindi naman ako na-exposed kahit kangino ng mga taong under investigation for Covid-10,” dagdag pa ni Marvin. “Wala na rin akong physical contact sa Mom ko since last Friday, after niyang mag-undergone ng chemo coz of cancer. Hindi rin naman ako iti-test dahil wala akong symptoms at hindi na raw ako priority to get tested dahil limited pa rin and testing kits.”

Kaya nasa bahay daw lamang si Marvin at pakiusap niya sa mga tao: “Manatili sa bahay, at sundin ang “Stay Home” policy. Magpasalamat kayo na may mga bahay kayo to stay in during the community quarantine samantalang maraming taong nakakaranas ng threat ng COVID-19 dahil wala silang mga bahay o kailangan nilang lumabas dahil kailangan sila ng taong maysakit.”

-NORA V. CALDERON
Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador