NADOMINA ng Pinoy ang 2020 Scotty Townsend Memorial Tournament nang ma¬sungkit ni Zoren James Ara¬nas ang 9-Ball Open Division na ginanap sa West Monroe sa Los Angeles, California.
Pinataob ni Aranas ang mga nakaharap na sina Gabriel Ale¬xan¬der sa first round (9-5), David Walker sa second round (9-4), Naoyuki Oi sa third round (9-5), Justin Hall sa fourth round (7-0), Roberto Gomez sa fifth round (9-6), Tony Chohan sa quarterfinals (9-5) at Shane McMinn sa semifinals (9-6).
Umabante sa finals si Ara¬nas tangan ang malinis na 7-0 rekord para makasiguro ng twice-to-beat card sa championship round.
Ngunit hindi naging ma¬ganda ang umpisa ni Aranas sa finals nang umani ito ng 8-9 kabiguan laban kay Josh Roberts ng Amerika da¬hilan para maipuwersa ang rubber match.
Sa ikalawang sagupaan, nakabawi si Aranas matapos itarak ang impresibong 7-3 panalo kay Roberts upang tuluyang angkinin ang korona.
Napasakamay ni Aranas ang $4,000 champion’s purse, habang nagkasya si Roberts sa $1,900 konsolasyon.
Ito ang unang titulo ni Ara¬nas sa taong ito matapos pumangatlo ng tatlong beses sa 2020 Derby City Classic 9-Ball Division sa Elizabeth, Indiana; Turning Stone Classic sa New York; at Cajun Coast 9-Ball Open sa Louisiana.
Nauna nang naghari sa 2020 Scotty Townsend Memorial Tournament sina dating world champion Dennis Orcollo sa 10-Ball event at legen-dary cue mas¬ter Francisco “Django” Bustamante sa One Pocket event.