Punong kasiyahan ang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera sa pagtatapos ng pre-school ng kaniyang panganay na si Ate Zia.

Sa isang Instagram post, proud na proud niyang ipinakita ang cute niyang panganay na um-attend ng kaniyang Graduation Day.

Sino ba naman ang hindi matutuwa sa galing na ipinapamalas ni Zia ngayon pa lang? Four years old na ngayon ang panganay nina Marian at Dingdong Dantes pero marami na agad itong na-achieve!

Lagi siyang tumatanggap ng iba’t ibang awards sa school at laman ng TV commercials.

Janno Gibbs nakikipogi kina Paulo Avelino, Aga Muhlach

Samantala, nagsimula nang magtaping si Marian para sa kanyang upcoming primetime series na First Yaya, kung saan makakasama niya sina Gabby Concepcion, Pancho Magno, Kelvin Miranda, Cassy Legaspi, at Baeby Baste.

Ito ang magsisilbing comeback ni Marian sa GMA Telebabad. Malapit na ‘yan kaya pakatutukan ito, mga Kapuso!

-Mercy Lejarde