Kakaibang role ang bibigyang-buhay ni Benjamin Alves sa Magpakailanman ngayong Sabado ng gabi, sa GMA-7.

benjamin

Hihimayin ng MPK host na si Mel Tiangco ang kuwento ng pag-iibigan ng isang barumbado at isang simpleng babae (payed by Andrea Torres), at kung saan hahantong ang pagtitiis ng huli at kung ano ang kahihinatnan ng kanilang buhay.

Ayon sa ilang Kapuso source, pang-award daw ang ipinakitang akting ni Benjamin sa nasabing episode. Naitanong tuloy sa aktor kung nag-i-expect pa ba siya ng acting award sa bawa’t project na inaalok sa kanya?

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Simple niyang tugon, “Hindi naman… ang hirap po kasing sabihin na hindi siya importante. Parang magsisinungaling po tayo pag sinabi nating hindi importante.”

Dagdag niya,“Parang ano po ‘yan, e, parang sa trabaho, kahit anong trabaho, parang naghahanap ka ng recognition na nagagawa mo nang maayos at mabuti yung trabaho mo.

“Although nakukuha ko naman po yun sa director, sa co-actors ko, masaya na po ako sa ganun.

“Pero siyempre, plus na rin po yung parang hindi lang po yung nasa katrabaho ko or nasa taping po yung nakaka-appreciate po.

“Kapag may mga award-giving bodies, na parang meron pa palang iba na makaka-appreciate ng ano po, more than the ticket sales, more than ratings po namin.

“Para po sa actor, iyung ratings po, natutuwa po ako dun, malaking ano po yun, thankful po ako dun. Pero yung mabigyan ka ng award, ibang ano naman po yun, ibang pasasalamat at yun nga po kasi…”

-Ador V. Saluta