KUMPIYANSA si multi-titled coach Sinfronio “Sammy” Acaylar na masisikwat ng University of Perpetual Help System Dalta Men’s Spikers ang ika-13 titulo sa pagpalo ng NCAA Season 95 volleyball tournament sa Marso 16.

Walang tigil ang ensayo ng Altas matapos ang mahabang pahinga dulot ng pagkaantala ng mga laro sa hindi maiwasang dahilan at walang dahilan upang hindi sila magtagumpay.

Umusad ang Perpetual sa best-of-three championshoip round matapos makumpleto ang 9-game sweep sa elimination. Naghihintay na lang ng makakalaban ang Altas mula sa stepladder format.

Naglalaban-laban sa stepladder semifinals ang Arellano University, Emilio Aguinaldo College at College of St. Benild.

'Aapela raw!' John Amores 'di tanggap pagkawala ng professional license?

Ngunit, ipinahayag na ng management committee (MANCOM) sa pangunguna ni Peter Cayco ng host Arellano University na pinag-aaralan na ng Policy Board ang muling pagpapatuloy ng mga laro sa Marso 16.

“Maganda na magbabalik na uli ang games sa March 16, pero kami mag-aantay pa rin kasi may two playdates pa ang men’s team and then may stepladder pa,” pahayag ni Acaylar.