PANAY ang papuri ni Direk Joel Lamangan ang mga artista niya sa pelikulang Hindi Tayo Pwede mula sa Viva Films dahil ang huhusay kaya masarap ka-trabaho sa ginanap na mediacon nitong Sabado sa Boteyju FisherMall Quezon Avenue branch.

hindi tayo pwede1

Kilala si direk Joel na kapag hindi niya gusto ang artista ay asahan mong makakatikim ka ng hindi magandang salita lalo na kung dumating ka sa set ng hindi preparado.

Baguhan palang si Tony Labrusca, pero napuri na ng direktor, gayun din si Marco Gumabao at siyempre si Lovi Poe na pangalawang beses na nila, nauna na ang The Bride and the Lover, 2013.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Inamin ni Marco na bago sila nagsimulang mag-shoot ay takot siya kay direk Joel, “natakot talaga ako kasi siyempre si direk ‘yan kailangan galingan ko kasi kapag hindi mapapagalitan talaga ako. At sa first day namin sa set, doon ko nalaman na sobrang sweet naman pala ni direk Joel nandoon ‘yung intimidation actually before you get to work with him. Nu’ng first day, it was so light, it was so easy very supportive talaga ‘yung buong set kaya nakakatuwa.

Say naman ni Tony na nakiusap kay direk Joel na tawagin siya sa pangalan niya, “kasi nu’ng nage-explain si direk, sabi niya, ‘o asan ‘yung multo, dito ‘yung multo.’ Kaya sabi ko, ‘direk puwedeng Tony?”

“Same sentiments din kasi nu’ng first day sinabi ko sa driver at RM (road manager) na kailangan sobrang aga natin kaya one hour before the call time nandon na ako tapos may scene na kailangan kong umiyak hindi ko magawa kasi akala ko tight shot na tapos sabi nila, pinapatawag ako ni direk sa kuwarto. Isip ko, eto na, sasampalin na ako ni direk, sobrang bait niya kasi lahat ng mga tanong ko, lahat ng concerns ko, he was guiding me when I was confused he was clarifying what the character was going through para mas maintindihan ko and what I really like is pag ginagawa mo ‘yung best mo, he’s very collaborative he didn’t make me feel like I’m stupid. I tell everybody this who ask me na I had such an enjoyable experience working with direk.”

Sabay hirit ni direk Joel, “hindi totoo ang tsismis (terror siya sa set).”

Ano naman masasabi ni direk sa mga artista niya?

“Napakahusay, maganda ang attitude, sa trabaho sila ang mga artistang magtatagal sa propesyong ito,” sambit ni direk Joel.

Maraming nagulat dahil ang sweet nga ng direktor dahil bihira siyang pumuri ng artista.

“Dahil mahusay sila! Alam nila kung saan sila dapat nakalagay at dumadating sila on time ayoko ng late at hindi sila nali-late. ‘Yung iba kasi nali-late at hindi alam kung anong gagawin nila,” pagtatapat ng direktor.

Nagkaroon ba ng pagkakataong na tinaasan ng boses ni direk Joel sina Marco, Tony at Lovi.

“Hindi sa kanila, sa mga tao ko (production team). Sila (artista) hindi ako nagalit kasi nga mahusay sila. Intelihente sila! Mahirap katrabaho ang gagang aktor at aktres, ‘yung mga tanga-tanga mahirap ‘yun!

“’Yung mga nagtatanong, ‘yun ang gusto ko hindi ‘yung lahat ng sabihin ko, gawa ng gawa. Gusto ko ‘yung ‘bakit direk, bakit ganyan?’ Mabuti ‘yun kasi magandang indikasyon iyon sa direktor at artista.

“Nakikinig ako sa mga suggestions nila lalo na kung maganda, I will take it but in the final analysis the director will be the one to be followed in the set on any artistic subject, artistic inclination it must be the director that will be followed. But the director should also be open in accepting suggestions from the actors at naiintindihan ko kasi artista rin ako, aktor din ako,”paliwanag mabuti ni direk Joe.

Habang nagpapaliwanag naman si direk Joel ay nakikinig ng husto ang tatlo at umaayos sila bawa’t sinasabi nito.

Samantala, ang grupong The Juan sang kumanta ng soundtrack ng Hindi Tayo Pwede na pareho ang titulo at mapapanood ang pelikula sa Marso 4 handog ng Viva Films.

-Reggee Bonoan