BIG winner si Asia’s Multimedia Star Alden Richards sa katatapos lang na 4th GEMS Hiyas ng Sining Awards matapos magwagi bilang Best Actor in a TV series para sa primetime series niya na The Gift.

Alden Richards GEMS

Masayang-masaya si Alden dahil ayon sa kanya, ang award na kanyang natanggap ang pinakaunang niyang natanggap na regalo matapos magwakas ang serye last week.

Thankful din siya sa parangal na ito dahil napamahal sa kanya ang serye maging ang kanyang co-stars sa primetime soap. Naging pamilya na ang kanilang turingan kaya naman big blessing ang kanyang award para sa programa.

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

Samantala, mapapanood na ngayong Linggo (Pebrero 17) ang pinakabagong show ni Alden na Centerstage kung saan siya ang magiging host kasama si Betong Sumaya bilang Journey Host. Judges naman ng kumpetisyon sina Aicelle Santos, Mel Villena at Ms Pops Fernandez.

Congrats, Alden!

-MERCY LEJARDE