DUMAAN pala sa depresyon ang supporting actress nang magkaroon siya ng sakit na hindi nalaman ng lahat kaya laking pasalamat niya na nagamot na pero kailangan niyang mag-ingat dahil posibleng bumalik ito.

Mga kaibigan at kaanak ang dumamay sa supporting actress noon kaya naibsan ang kanyang mga nararamdaman at pati ang pagpapagamot ng sakit niya ay sinuportahan din siya dahil hindi naman siya aktibo sa showbiz noon kaya ngayong medyo okay na ay tumatanggap na siya ng project para maski paano ay makatulong sa kakailanganin niyang gastusin.

May pamilya ang supporting actress pero siyempre hindi naman niya kailangang iasa lahat ng kailangan niya lalo’t may kanya-kanyang buhay na rin sila.

Natitiyempuhan namin ang supporting actress sa mall at okay naman ang itsura niya kasama ang mga anak at asawa.

Blind Item

Tsinuging aktor sa serye nag-fly sung daw sa ibang bansa, may iniiwasang kaso?

Sana nga dumami na ang project ng supporting actress dahil mahusay siyang artista na laging nominado, hindi nga lang nanalo pa.

Reggee Bonoan