Kasunod nina coach Tab Baldwin at Sandy Arespacochaga, opisyal na ring isinama bilang bahagi ng coaching staff ng Gilas Pilipinas sina dating Alaska coach Alex Compton at Phoenix assistant coach Topex Robinson.

Katunayan, dumalo na ang dalawa sa unang ensayo ng Gilas noong Huwebessa Moro Lorenzo Sports Center sa Ateneo campus kasama nina Baldwin at Arespacochaga bilang mga assistant coaches ni interim coach Mark Dickel.

Dati ng bahagi ng coaching staff ng Gilas si Compton noong 2015 Fiba Asia Championship kung saan tumapos na runner-up ang Nationals sa host China sa ilalim ni Baldwin bilang head coach.

Unang stint naman ito ni Robinson na kasalukuyang head coach ng Lyceum.of the Philippines University sa national team.

'Aapela raw!' John Amores 'di tanggap pagkawala ng professional license?

Nagbabalik naman ang dating coach na si Baldwin sa Gilas bilang program director.

Balik Gilas coaching staff din si Arespacochaga, ang kasalukuyang head coach ng Gilas Pilipinas Youth.

-Marivic Awitan