Nadagdagan pa ang mga eskuwelahan sa United States na gustong kumuha kay Filipino youth basketball standout na si Kai Sotto.

Kai Sotto (Rio Leonelle Deluvio)

Kai Sotto (Rio Leonelle Deluvio)

Pinakahuling nagpahayag ng interes na makuha ang serbisyo ng 7-foot-2 center ay ang Boston College.Nakipagkita kamakailan sa 17-anyos na si Sotto at sa pamilya nito sina Eagles coaches Jim Christian at Billy Wuczynski.

llan sa mga kilalang produkto ng Boston College ay sina Jared Dudley ng LA Lakers at Reggie Jackson ng Detroit Pistons gayundin sina Ky Bowman ng Golden State Warriors at Jerome Robinson ng LA Clippers.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Ang Boston College ang ikalimang eskuwelahan na kumontak kay Sotto para sa posibilidad na maglaro sa kanila ang dating UAAP Juniors MVP.

Nauna ng nakipagkita kay Sotto at sa kanyang pamilya sa pangunguna ng ama nitong si Ervin ang mga kinatawan ng Kentucky, Georgia, Georgia Tech at DePaul.

-Marivic Awitan