MAKIKITA sa Instagram (IG) ang throwback post ni Gabby Concepcion noong bata pa ang anak na si KC Concepcion. May caption na “I will always be here for you. I love you my baby.—Papa” at ang maraming hashtags na #babygirl #papa #baby #love #priceless #bonding #fatheranddaughter #goodvibes.”

Throwback pic ni Gabby at KC

May kasamang baby photo ang post ni Gabby at ginawa niya after ng dinner date nila ni KC at ang feeling ng mga nakabasa, kaya may pagka-sentimental ang mga hashtag ni Gabby ay napag-usapan nilang mag-ama ang isyu kina KC at ina nitong si Sharon Cuneta.

Sa video na pagkikita nina Gabby at KC sa resto, ang caption ni Gabby ay “Priceless... a moment like this. #date #bonding #qualitytime.”

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

Pero maganda ang ginawa ni Gabby at ni KC na rin na hindi na ipaalam kung ano ang kanilang napag-usapan at baka maging isyu na naman. Basta, natutuwa ang netizens na nakapag-bonding ang mag-ama at may nakausap si KC at napagsabihan kung anuman ang dinadala niya sa kanyang dibdib ngayon.

Nahalata rin ng netizens na may problema sina Sharon at KC dahil sa sunud-sunod na post ni Sharon about family at itong post ni Gabby. Kaya may nag-comment na kailangan ni KC ang ama niya ngayon at nagpasalamat na may oras siya sa anak.

May nagpayo naman kay Gabby na pagbatiin niya sina Sharon at KC na parang hindi naman nito gagawin. Kahit anak nito si KC, mas maganda pa rin kundi siya

Makikiaalam sa problema nina Sharon at KC, unless, kausapin siya ni Sharon at hingin ang kanyang tulong.

-NITZ MIRALLES