PATI pala si Tom Rodriguez, nakaranas ng depression, kaya nang magkaroon ng depression ang GF na si Carla Abellana, nakaalay siya rito at kahit papaano, alam ang gagawin dahil nauna nga siyang nakaranas.

Carla at Tom

Kuwento ni Tom sa mediacon ng Love of My Life, ang family drama ng GMA-7 na magsisimula ang airing this Monday, sunud-sunod ang pagdating ng hindi kagandahang pangyayari sa buhay niya. Nagsimula ito nang mamatay ang ama niya, nasundan nang pagkakasakit ng brother-in-law niya na dinala niya ng husto dahil naaawa sa asawa nitong kapatid niya at sa apat niyang pamangkin.

Tinamad siyang magtrabaho at ayaw lumabas ng bahay at umabot sa binalak niyang mag-suicide. Pasalamat ang aktor sa suporta at hindi siya pinabayaan ng manager na si Popoy Caritativo at ni Carla. Lagi siyang kinukumusta at kinakausap at ipinaaalalang maganda ang buhay, kaya unti-unting nakabangon si Tom sa kinunsider niyang “dark year” at nangyari ito noong 2017.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Kaya nang si Carla naman ang dumanas ng depression dahil sa mga sakit, nakaalay si Tom at pinalakas ang loob ni Carla. Matindi rin ang nangyari kay Carla, nag-take ng medicine sa sakit na wala naman pala dahil sa maling diagnose. Naapektuhan ang liver niya at tumaba pa, mabuti at okay na ang aktres ngayon, kahit nagti-take ng medication sa iba pa niyang sakit.

Magkasama sina Tom at Carla sa Love of My Life at mag-asawa ang role nila. Bitin lang ang kilig ng TomCar fans dahil maagang mawawala ang karakter ni Tom. Mula ito sa direction ni Don Michael Perez and this Monday na ang premiere after The Gift.

-Nitz Miralles