ISA si Kyle Echarri sa namamaga ang mga mata pagkatapos ng Finale presscon ng Kadenang Ginto na magtatapos na sa Biyernes, Pebrero 7 dahil malaki ang nagawa nito sa buhay niya bilang artista dahil hindi naman niya inaasahang papasukin niya ang pag-arte dahil pagkanta ang first love niya kaya siya nag-audition sa The Voice Kids Season 2.

kYLE2

Naunang napanood si Kyle sa On the Wings of Love teleserye nina Nadine Lustre at James Reid sa karakter na Brent Wyatt pero hindi naman kalakihan ang exposure nya kaya nu’ng isama siya sa Kadenang Ginto ay abut-abot ang pasalamat niya sa Dreamscape Entertainment dahil na-develop ang acting skills niya.

“This (show) changed my life, it’s the biggest thing that happened to me kaya nagpapasalamat ako kay Sir Deo (Endrinal) and of course Mama Carl (Producer, Carlina dela Merced) maraming salamat po sa tiwala ninyo sa aming lahat at sa buong cast, thank you guys, masarap po kayong makasama and fun to work and hindi lang magka-trabaho naging pamilya rin po kaming lahat,” pahayag ni Kyle.

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

Dahil din sa Kadenang Ginto ay nakabuo ng grupong The Gold Squad na sina Kyle, Francine Diaz, Seth Fedelin at Andrea Brillantes na lahat ng aktibidades nila ay sinusubaybayan ng kani-kanilang supporters sa kanilang YouTube channel na may 1.77M subscribers at ang pinakamababang views ay 390K.

Sikat na talaga ang The Gold Squad dahil lahat ng guestings nila at mall shows ay jampacked.

Sabi nga ni Kyle, “talagang grabe po ‘yung nangyari sa aming apat.”

As of this writing ay wala pang alam si Kyle kung ano ang follow-up teleserye niya kaya ang youtube channel ng The Gold Squad ang pagkaka-abalahan nila at mga show.

-Reggee Bonoan