MAY pinost na video si Kris Aquino sa kanyang IG account nitong Huwebes ng gabi na dinala siya ni Willie Revillame sa magandang dressing room nito kung saan organisado ang lahat ng mga damit nito at magkakasama ang mga kulay. Pati mga pantalon ay magkakasama rin.

willie at kris

Humanga si Kris sa organisado at magandang pagkakaayos ng dressing room ng TV host at paulit-ulit niyang sinasabing, “nice, ang ganda!”

“Ako lahat nag-isip nito, nu’ng una hindi ito ganito. Nu’ng ibinigay sa akin ito, inayos namin ito, nag-clean kami kinuha ko mga kasambahay ko sa bahay ko kung ako asawa o boyfriend mo, hindi ka pupuwedeng madumi, ayaw ko ng magulo, gusto ko ayos lahat!” sabay hirit ni Willie.

Relasyon at Hiwalayan

Ria Atayde, flinex paboritong bahagi ng araw niya

“Hindi rin kami madumi! Naka-rainbow vacuum kami at naka-Daiso, huwag mo kaming apihin, kaloka ka, inaapi mo kami, malinis kami!” ganting sagot ni Kris kay Willie.

Pero siyempre hindi naman napikon si Kris sa birong ito ni Willie dahil sanay na siya lalo’t tinawanan lang siya ng Wowowin host.

Ang caption ni Kris sa video: ”I have to be up at 6:30 AM tomorrow because there’s one more thing I need to do early in the morning to permanently ‘leave yesterday behind.’ Ayokong ma-feel n’yo na “GGS” ako because of my previous post, thanks to kuya Erick for sending me this video listen to our conversation, hindi sinasadya pero parang pinaghalong sitcom na reality show kami ni Willie. Good night & pleasant dreams to all of you.”

Anyway, curious kami sa biro ni Willie na, “kung ako ang asawa o boyfriend mo…” Nagpaparamdam kaya siya kay Kris? Kilalang palabiro ang TV host, pero alam niya na half-meant ang mga sinasabi niya at kung kakagat ang sinabihan, e, di ‘yun na.

Matagal nang nagtutuksuhan ang dalawa, hindi pa ba nagle-level up?

-Reggee Bonoan