LUMIPAD pa-Thailand nitong Miyerkules si Alden Richards, the day after ng contact signing niya bilang brand ambassador ng isang brand ng whisky. Wala pa tayong balita kung ano ang business ni Alden sa Thailand o baka nagbabakasyon lang.

Hindi na pinatulan ni Alden ang bashers na negative ang tingin sa pag-i-endorse niya ng whisky, basta siya, masaya sa bagong endorsement dahil bagong produkto ito at sabi nga niya pasok ang bagong endorsement sa new opportunities na na-achieve niya for 2020.

“I also believe in the brand at alam kong magugustuhan din ito ng mga umiinom. Bagay sa akin ang campaign ng Embassy Whisky na chill lang dahil ganu’n ako, chill lang mapa-positive o negative dadaan lang ‘yun,” sabi ni Alden.

Anyway, isang linggo na lang ang The Gift na sabi ni Alden, mami-miss niya ang mga nakasama na naging close sa kanya dahil nakasama for seven months kasama ang kanilang taping.

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

Sa tanong kung ano ang magandang gift sa kanya ng The Gift?

“Dahil sa The Gift, I learned to be thankful malaki man o maliit na bagay ang dumating sayo. ‘Wag maghanap sa mga bagay na wala and the best gift for me ng teleserye ay to be contented and I’m happy and contented now,” patuloy ni Alden.

Maraming plano sa kanyang career for 2020 si Alden at kasama na rito ang balikan ang pagho-host ng talent competition especially singing sa Centerstage na magsisimula sa February 16. Nasa All-Out Sunday din siya at thankful na na- maintain ang magandang rating.

“Kasama rin sa plano ang makagawa ng movie, may mga nagpi-pitch ng project and let us see kung may mapili. We are also preparing for my concert on July 25 at the Smart Araneta Coliseum which I am co-producing and I’m also part of the creative team. I’m giving all my time and effort for the concert.”

Kasama rin sa gustong ma-achieve ni Alden ang makahanap na kanyang partner.

“Like I said kanina, I’m happy and contended na, now is the time for myself naman. It’s about time to find a partner, pero ‘wag naman ipilit, basta darating ‘yun at kung this year dumating ‘yun, ready na ako,” pagtatapos ni Alden.

-NITZ MIRALLES